Tumanggap ng 30 bags ng Urea mula sa Peopleβs Republic of China ang 40 magsasakang San Nicolanian na nagtanim ng hybrid yellow corn kahit off-season.
Ang bawat bag ng pataba ay may bigat na 50 kgs na makatutulong sa mga magsasaka na problemado sa mataas na presyo ng pataba ngayong taon sa merkado.
Ang pamamahagi ay pinangunahan ni Mayor Alice at Engr. Cristopher SerquiΕa, municipal agriculturist, sa isang simpleng programang idinaos sa Municipal Auditorium.
Samantala, nakatanggap din ang Ubbog ti Daya MPC ng siyam na bags ng Nutricote controlled release fertilizer (10-8-18) na may bigat na 25 kgs bawat isa para sa pagsasaayos ng coffee plantation sa Sitio Pastoran, Brgy. Fianza.
βAlam kong napakagandang balita para sa mga magsasaka ang pamamahagi ng inorganic fertilizer dahil sa nagtataasang presyo ng pataba sa merkado. Sa pamamagitan nito, nawaβy mamunga nang sagana ang mga mais at kape na itinanim ng ating mga kaibigang magsasaka,β ani Mayor Alice.
#InorganicFertilizerDistribution#PeoplesRepublicofChina#OffSeasonFarming#MunicipalAgriculture#HybridYellowCorn#CoffeePlantation#UbbogTiDayaMPC#Nutricote#Urea#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride