Tumanggap ng P1,000 cash incentives ang 468 senior citizens edad 75-84 sa unang araw ng pamamahaging idinaos sa Municipal Auditorium.
Naglaan ang pamahalaang lokal ng San Nicolas katuwang ang Department of Social Welfare and Development ng pondo upang may maipandagdag sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ang mga lolo’t lola na pinasaya ni Mayor Alice ay mula sa Brgys. San Felipe East, San Felipe West, Calanutian, Sto. Tomas, Salingcob, Dalumpinas, Lungao, Camindoroan, Camangaan, Sobol, Cabuloan, Salpas, Bensican, San Isidro, Malilion, San Rafael West, San Rafael Centro, at San Rafael East.
Bukod sa pagtanggap ng cash incentives, ang mga nakatatanda sa bayan ay nakakakuha din ng tulong pinansyal para sa kanilang medical, burial, at food subsidies sa ilalim ng tulong ng gobyerno sa mga indibidwal na nasa crisis situations.
#CashIncentives#SeniorCitizens#DSWD#AICS#VulnerableSector#SanNicolasLovesSeniorCitizens#MayorAliceCaresForSeniorCitizens#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride