Naimbag nga aldaw, nature and eco-lovers! Nais naming ipaalam sa inyo ang ilang mahahalagang anunsiyoโt paalala ukol sa ating pinakabagong eco-tourism attraction dito sa San Nicolasโang Agpay Eco Park.
1. ๐๐๐ง๐๐ซ๐๐ฅ ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ฎ๐ซ๐ฌ: Bukรกs ang eco park mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon lamang.
2. ๐๐๐ญ๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐ ๐๐๐ฌ: Simula ngayon, magkakaroon ng entrance at environmental fees upang mapanatili ang kagandahan at kaayusan ng Agpay Eco Park.
โ San Nicolas residentsโ P30 (P20โentrance fee at P10-environmental fee)
โ Non-residentsโ P50 (P30-entrance fee at P20 environmental fee)
Bibigyan ng 50% discount ang lahat ng San Nicolas residents edad 60-64 habang libre naman ang entrance fee (hindi kasama ang environmental fee) ng mga residenteng edad 65-pataas at edad 3-pababa.
For non-residents, 20% ang gagamiting discount sa lahat ng senior citizens at mga batang edad 3-pababa.
3. ๐๐ ๐ ๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ฎ๐ง๐ญ๐ฎ๐ง๐ข๐ง: Narito ang mga sumusunod na alituntinin na kinakailangang sundin:
โ Ang hindi pagtatapon ng basura sa tamang lagayan ay mariing ipinagbabawal. Ang 1st offense ay may multang P500.
โ Sundin ang Clean As You Go o CLAYGO policy.
โ Hindi pinapayagan ang pagpitas lalong-lalo na ang pagsira sa mga bulaklak at halaman sa loob ng eco park.
โ Siguraduhing nakatali ang inyong mga alagang hayop habang silaโy nasa loob ng park.
โ Hindi pinahihintulutan ang vaping at paninigarilyo sa lahat ng areas sa park maliban sa itinalagang smoking area.
โ Ang mga photoshoot for weddings at birthdays ay pinapayagan bastaโt nakapagbayad on-site ng special permit.
โ Ang mga lakbay-aral, wedding, birthday, reunion party, at iba pang mga katulad na pagdiriwang ay pinahihintulutan lamang kung may special permit mula sa Mayorโs Office. Binibigyan ng 50% discount ang lahat ng lakbay-aral, residente man o non-residents ng San Nicolas.
4. ๐๐๐ ๐ ๐๐ฆ๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐๐๐: Ang swimming pool, camping site, cottages, grilling at picnic areas, at iba pang mga pasilidad ay maaaring gamitin ayon sa mga patakaran ng parke at sa umiiral na Municipal Ordinance No. 136-2022 at Local Revenue Code.
5. #๐๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐๐๐๐๐ฌ: Binibigyan ng pagkakataon ang mga local entrepreneur at vendor mula San Nicolas maging ang ibang bayan na magbenta ng kanilang produkto sa Agpay Eco Park, subalit ito ay kinakailangang gawin sa itinakdang lugar at may kaukulang permiso mula sa Business Processing and Licensing Office ng Municipal Hall. Maaaring tumawag sa Eco Park Hotline 09276176313 para sa karagdagang impormasyon ukol dito.
Ang Agpay Eco Park ay isang proyektong bunga ng pag-ibig, pananampalataya, at pag-asa kung kayaโt naniniwala kaming mamahalin, aalagaan, at iingatan natin itong lahat.
#AgpayEcoPark#SeePangasinan#LoveThePhilippines#NatureLovers#CommunityDesign#ResponsibleTourism#SustainableDevelopment
#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride