Bilang patunay ng kaniyang determinasyon at dedikasyon na mapabuti ang kalagayan ng mga batang mag-aaral ng Angels’ Breath Child Development Center sa Brgy. Salpad, nagpatayo si Mayor Alice ng perimeter fence at drainage canal sa tulong ng Municipal Development Fund.

Buong-pusong nagpasalamat si π™‹π˜½ π˜Ώπ™–π™£π™žπ™‘π™€ π™Žπ™šπ™§π™žπ™€π™¨ kasama ang buong barangay council at mga residente dahil palaging inuuna ng alkalde ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng walang sawang pagtatrabaho upang maisakatuparan ang mga makabuluhang proyektong tulad nito.

β€œPatuloy na nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa ating bayan si Mayor Alice. Ang kaniyang dedikasyon at pagmamahal ay tunay na nagdudulot ng pagbabago at progreso. Ipinagmamalaki natin ang tagumpay na ito at ang pagtutulungan ng bawat isa upang makamit ang minimithi nating magandang kinabukasan,” saad ni PB Serios.

#AngelsBreathChildDevelopmentCenter#ProudToBeInBrgySalpad#BrgySalpad

#PamumunongMayPuso#ParaSaMasMagandangKinabukasan

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon