๐๐๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐๐ฅ ๐๐๐ซ๐ญ๐จ๐จ๐ง ๐ฃ๐บ ๐๐ฎ๐๐ง ๐๐ง๐๐ซ๐ ๐. ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐
๐ฐ๐ง ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐๐ง ๐ ๐๐ฅ๐ข๐ฉ๐ ๐๐๐ฌ๐ญ
Isa sa mga sistema ng transportasyon na matagal nang nakatakdang magkaroon ng malaking upgrade ay ang jeepney na isang icon ng pagkakakilanlang Pilipino na sa paglipas ng mga taon ay tinawag ding hari ng kalsada.
Sa katunayan, ang jeepneyโna hango sa disenyo ng World War II military jeep at pinalawak na minibus kung saan magkaharap ang mga pasahero sa dalawang mahabang bangkoโay matagal nang naghari sa bansa na naghahatid ng mga pasahero sa mga sementadong highway sa mga lungsod maging sa mga hindi sementadong kalsada sa mga kanayunan.
Walang alinlangan, halos walong dekada nang nagsilbi nang maayos ang hari ng kalsada sa mga komyuter. Ngunit ang haring ito ay matanda na, at pagod na, at lampas na sa kaniyang kapanahunan. Panahon na para bigyang-daan ng jeepney ang isang kahalili na maaaring magpatuloy sa pagbibiyahe sa mga kalsada ng bansa sa mas ligtas at mas mahusay na paraan.
Ngunit naniniwala kami na dapat magpasimula ang gobyerno ng isang programa gamit ang iba’t ibang institusyong pinansyal ng gobyerno para mag-alok ng tulong sa mga jeepney driver at operator upang lumipat at yakapin ang modern jeepneys.
Maaari ding gamiting mobile learning hub ang mga lumang dyip at i-adapt ang hakbang na ginawa ng lokal na pamahalaan ng Makati noong 2020 para matulungan ang mga estudyanteng walang internet access. Ang 27 jeepneys ay nilagyan ng mga libro, learning materials, guro, librarian, at laptop na may internet connection.
Ang mga layunin ng Jeepney Modernization Program ay kapuri-puri dahil ang publiko ay nararapat lamang na bigyan ng mahusay, malinis, at komportableng mass transport sa abot-kayang pamasahe. Ang pagbabalanse ng interes ng mga sektor na apektado ay mahirap, ngunit sa wastong pagpaplano at pagpapatupad, ang mga layunin ay maaari pa ring makamit at maisakatuparan.
#TheKingOfTheRoad#JeepneyModernizationProgram#Jeepneys#AngHariNgKalsada#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride