๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐ข ๐๐๐ฆ๐ข๐ง ๐
๐๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ ๐ง๐ข ๐๐๐ง๐ญ๐ ๐๐ฎ๐ญ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ซ.
โDaddy, gusto kong maging bus driver, tapos kayo ni mommy ang konduktor ko.โ
Tuwing sinasabi iyon ng anak kong si Adong, hindi ko maiwasang mapangiti. Sa murang edad pa lamang, kitang-kita na ang kaniyang simpleng pangarapโisang biyahe na lagi kaming kasama, laging magkasama.
Tuwing bumabiyahe kami papuntang Baguio para sa kaniyang check-up, palaging nasa tabi ng bintana si Adong. Tahimik niyang pinagmamasdan ang mga bundok na natatakpan ng hamog, ang ulap na parang bumabalot sa tanawin, at ang mga punong sumasayaw sa lamig ng hangin. โAng ganda ng view, Daddy,โ sabi niya, habang ang kaniyang mga mata ay kumikinang sa pagkamangha. Sa mga sandaling iyon, pinagmamasdan ko siyaโang mga matataba niyang pisngi na namumula sa saya, ang mahahabang pilikmata niyang parang maselang pintura ng Diyos. Gusto ko sanang ihinto ang oras, pigilan ang bawat segundo, at manatili sa ganoong tagpo magpakailanman.
Kapag naiisip ko si Adong, tila naririnig ko pa rin ang tinis ng kaniyang tinig habang masayang umaawit ng โBelly Buttonโ at pumapalo sa aking tiyan na tila tambol. Ganoon niya kami nilalambing, sa mga munting kilos at simpleng salita na nagpaparamdam sa amin kung gaano niya kaming kamahal. Siya ang aming munting uniberso, ang mundo naming umiikot sa kaniyang walang-kapantay na ligaya at pangarap.
Kahit pagod ako mula sa trabaho, hindi ko magagawang tanggihan si Adong kapag inaya niya akong maglaro ng badminton sa hapon. Isa iyon sa kaniyang paborito, kasabay ng pagbibisikleta kasama si Lucky, ang matalik niyang kaibigan. Kapag nakita niyang naghahanda akong mag-jogging, magmamadali siyang magsuot ng sapatos para sumama sa akin. โDaddy, hindi ka ba mag-woworp (work) out?โ tanong niya, na may pilit na pagtawa sa boses. Ang simpleng tanong na iyon ang laging nag-aalis ng pagod ko.
Tahimik si Adong, pero buhay na buhay ang kaniyang presensya sa bahay. Mahilig siyang sumayaw at gumuhit ng kaniyang imahinasyon. Ang saya sa kaniyang mukha tuwing pinupuri ko ang kaniyang mga likhang-sining ay abot langitโisang ngiti na kay hirap kalimutan. Ngunit higit sa lahat, ang pangarap niyang maging bus driver ang hindi ko malilimutan. Gusto niya kaming dalhin sa lahat ng lugar, laging kasama, laging magkasama.
Ngunit dumating ang araw na tumigil ang lahat. Linggo iyon, Setyembre 17, 2023. Sa ospital, habang pinipilit siyang i-revive, parang nawala na ang lahat ng lakas ko. โLord, buhayin mo lang siya, gagawin ko ang lahat!โ pasigaw kong panalangin. Umalingawngaw sa ospital ang boses ko, ang hagulgol ng isang ama na wala nang ibang hiling kundi mabuhay muli ang kaniyang anak. Pero huli na ang lahat. Natapos ang biyahe ni Adongโisang biyahe na nagsisimula pa lamang.
Sa pagkawala ni Adong, walang araw na hindi siya sumasagi sa isip ko. Lagi kong inaasam na makita siya kahit sa panaginip man lang, ngunit tila napakailap. Sa mga gabing tahimik, madalas kong tanungin ang Diyos, “Bakit, Lord? Bakit siya pa?” Pero sa kabila ng mga tanong, sinisikap kong mabuhayโhindi para sa akin, kundi para kay Adong, sa Mommy Jai, at sa kapatid niyang si Fiona, para ipagpatuloy ang buhay na nais niyang maramdaman naming buo.
Sa huling biyahe, hindi na niya ako kasama. Naisip ko na baka iyon na talaga ang plano ng Diyos. Isang biyahe na hindi na niya kailangang dumungaw sa bintana, hindi na niya kailangang magmasid sa tanawin, at wala nang sakit na mararamdaman. Sa biyahe niyang iyon, sigurado akong masaya na siya, malaya, at nasa mas maayos na lugar.
Adong, anak, mahal na mahal ka namin nina mommy at ading mo. Ikaw ang aming inspirasyon, ang aming lakas. Ang pangarap mong maging bus driver, ipapasa ko sa bawat biyahe ng buhay ko. Sa ating muling pagkikita, sanaโy ako naman ang salubungin mo, tulad ng lagi mong ginagawa noon.



#AngHulingBiyaheNiAdong#TrueStory#HolyWeekSpecials#BusDriver#Adong#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride