Sa mahabang panahon, bago pa sumikat ang araw, gising na kami upang ihanda ang aming mga ani. Ngunit bawat araw, ang biyahe mula sa ๐’๐ข๐ญ๐ข๐จ ๐“๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐š๐ฉ๐จ๐ซ ๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ๐ง๐  ๐’๐ญ๐š. ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐–๐ž๐ฌ๐ญ ay isang pagsubokโ€”maputik tuwing tag-ulan, maalikabok kapag tuyo ang panahon, at napakatagal dahil sa lubak-lubak na daan. Ngayon, sa pag-apak sa bagong kongkretong kalsada, ramdam namin ang ginhawa at pag-asa.

Dahil sa road concreting project na isinulong ni Cong. Marlyn “Len” Primicias-Agabas, hindi na balakid ang daan sa aming hanapbuhay. Ang 409-metrong haba, 4-metrong lapad, at 0.20-metrong kapal ng kalsada ay nagbigay sa amin ng mas mabilis, mas ligtas, at mas episyenteng transportasyon.

Hindi na kami nangangamba sa pagkawala ng ani dahil sa mga abala sa biyahe. Mas maraming produkto na ngayon ang naihahatid sa palengke nang mas sariwa, mas mabilis, at mas marami, kaya mas maganda ang kita at mas malaki ang suporta para sa aming pamilya.

Kaming mga magsasaka ay lubos na nagpapasalamat kina Cong. Marlyn at Mayor Alicia Primicias-Enriquez. Dahil sa kanilang dedikasyon, naipatupad ang proyektong ito na hindi lamang nagpapabilis ng transportasyon, kundi nagpapatibay rin sa kinabukasan ng aming mga pamilya.

Ramdam namin ang ginhawa. Ang daang ito ay nilatagan ng pag-asa, seguridad, at pangakong mas magandang bukas. Agyamankami! โค๏ธ

#BrgyStaMariaWest

#ConcretingOfRoad

#ThankYoUCongMarlyn

#SerbisyoANaimpusoan

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed