Binisita ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang Anthurium Child Development Center sa Brgy. Cabuloan na sumailalim kamakailan sa isang renobasyon sa tulong ng Special Education Fund.
Ang proyekto, na may lawak na 86 metro kuwadrado, ay kinabibilangan ng pagpapalit ng kisame, pagpipintura, at paglalagay ng floor tiles upang mapabuti ang kalidad ng pasilidad at makatulong sa mas maayos at ligtas na pagkatuto ng mga batang mag-aaral.
Ayon kay 𝙈𝙨. 𝙅𝙪𝙫𝙮 𝘼𝙣𝙘𝙝𝙚𝙩𝙖, child development worker, ang pagsasaayos ng pasilidad ay malaking tulong upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa loob ng development center. Bukod sa pagpapaganda ng silid-aralan, inaasahang magbibigay ito ng mas komportableng espasyo para sa mga aktibidad ng mga mag-aaral.
Ang inisyatibang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ni Mayor Alice at ng pamahalaang lokal ng San Nicolas na mapabuti ang kalidad ng edukasyon at kapaligiran para sa mga batang mag-aaral sa buong bayan.
#AnthuriumCDC#LearningSpace#BrgyCabuloan#RenovationProject#SpecialEducationFund#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride