Nangako si DENR Assistant Secretary for Enforcement Atty. Daniel Darius M. Nicer kay Mayor Alice na kaniyang susuportahan ang lahat ng hakbangin na makatutulong upang mabawasan at tuluyang masugpo ang forest fires sa bayan ng San Nicolas matapos mapinsala ang humigit-kumulang 300 ektaryang bahagi ng kabundukan nitong mga nagdaang araw.

Sa kanilang pulong, napagkasunduan nina Asec. Nicer at Mayor Alice kasama sina CENRO Rico Biado at MENRO Eddie Mateo na tutulungan nila ang mga forest dweller at hunter na mabigyan ng alternative source of income gaya ng livelihood at employment upang hindi na mangyayari pa ang sunod-sunod na grass fires at magkaroon ng panghabambuhay na pagkakakitaan ang mga apektado rito.

Isa sa mga nakikitang solusyon ay ang pagbubukas ng mga kursong Shielded Metal Arc Welding, Bread and Pastry Production, at Electrical Installation and Maintenance NC II upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kababayang malayo sa kanilang peligrosong trabaho at maisalba ang kabundukan mula sa mapaminsalang forest fires.

#DENR#ForestFires#ForestDweller#ForestHunter#AlternativeSourceOfIncome#Livelihood#Employment#ThankYouAsecNicer#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon