Natanggap na ngayong araw ni Mayor Alice at ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang Certificate of Accreditation mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bilang Assessment Center, limang buwan lamang makalipas ang akreditasyon nito bilang isang Training Center.

Kasabay ng tagumpay na ito ay ang 1st Mass Graduation ng 50 TESDA graduates ng Bread and Pastry Production NC II kung saan naging panauhing pandangal si 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 π‘πžπ π’π¨π§πšπ₯ πƒπ’π«πžπœπ­π¨π« π‰π¨πžπ₯ 𝐏𝐒π₯𝐨𝐭𝐒𝐧.

Sa programang ginanap sa Municipal Auditorium, hinikayat ni Dir. Pilotin si Mayor Alice at ang LGU San Nicolas na magbukas pa ng mas maraming kurso at pinasalamatan ang pamahalaang lokal sa isang matatag at magandang partnership sa TESDA.

Kasamang nakisaya at nagdiwang ngayong araw sina 𝐂𝐨𝐧𝐠. 𝐌𝐚𝐫π₯𝐲𝐧 𝐋. 𝐏𝐫𝐒𝐦𝐒𝐜𝐒𝐚𝐬-π€π πšπ›πšπ¬, Vice Mayor Alvin Bravo at ang Sangguniang Bayan, Atty. Charlene Lagua, PESO manager/TESDA registrar, at Mr. Higino Villar III, TESDA trainer/assessor.

Ang San Nicolas, Pangasinan Training and Assessment Center ang kauna-unahang training and assessment center sa ika-anim na distrito ng Pangasinan na pinamumunuan ng isang local government unit.

#AchievementUnlocked#AccreditedTESDAAssessmentCenter#TheFirstInThe6thDistrictOfPangasinan#SanNicolasTrainingAndAssessmentCenter#BreadAndPastryProduction#ThankYouTESDA#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *