Nakakataba ng puso ang kontribusyon ng mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program sa ating minamahal na bayang San Nicolas. Hindi matatawaran ang kanilang katangi-tanging serbisyo publiko kung kaya’t nais kong kunin ang pagkakataong ito upang magbigay ng pasasalamat sa kanila.

Hindi lingid sa ating kaalaman na sila’y nabigyan ng agarang trabaho o emergency employment dahil sila’y nawalan ng hanapbuhay, naging biktima ng kalamidad tulad ng bagyo, baha, at lindol o walang mapagkakakitaan. Sa pamamagitan ng TUPAD program, natulungan silang bumalik sa normal na pamumuhay habang sila ay naghahanap ng trabaho.

Nagsagawa sila ng mga community service gaya ng paglilinis ng Agpay Ecotourism Park, San Nicolas Public Cemetery, Municipal Complex Grounds, San Nicolas Public Market, Materials Recovery Facility, at iba pang uri ng serbisyo sa komunidad kung saan ang bilang ng pagseserbisyo ay naaayon sa mga itinakdang araw.

Hindi ko man maisa-isa ang lahat ng TUPAD workers na nagsilbi sa ating bayan, nais kong iparating na damang-dama ko ang pagmamalakasakit ninyong mapanatiling maayos at maganda ang ating tahanan. Salamat dahil kaisa ninyo ako sa pagpapanatili na gawing β€œhome” at β€œpride” ang bayang San Nicolas. Agyamanak!

-𝐃𝐑𝐀. π€π‹πˆπ‚πˆπ€ 𝐋. ππ‘πˆπŒπˆπ‚πˆπ€π’-π„ππ‘πˆππ”π„π™

#ThankYouTUPADWorkers#PublicService#Thankful#Grateful#Blessed#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon