Mataas ang pagkilala at pagrespeto ng bayan ng San Nicolas kay Pang. Bong Bong Marcos Jr. dahil sa kaniyang marubdob na hangaring matulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa buong bansa. Sa katunayan, noong Biyernes, Hulyo 19, bumisitasiya sa probinsiya ng Pangasinan upang ipamahagi ang Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and Families na naglalayong makapagbigay ng tulong sa ating mga kababayang naapektuhan ng nagdaang El Niรฑo.
Kasabay nito, nagkaroon din ng paggawad ng Certificates of Condonation sa ating mga magsasakang benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Loans. Ang mga benepisyaryo sa Ayuda para sa Kapos Ang Kita Program ay nabigyan din ng tulong ng pangulo sa tulong ng Department of Social Welfare and Development.
Dumalo sa nasabing pagtitipon sa Lingayen, Pangasinan sina Department of Agriculture Secretary Fransisco Tiu Laurel,Department of Agrarian Reform Secretary Conrad Estrella, at Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian.
Mula po sa akin at sa buong bayan ng San Nicolas, nais kong ipaabot ang pasasalamat ng lahat ng San Nicolanians kay Pang. Ferdinand โBong Bongโ Marcos Jr. dahil patuloy niyang ipinadadama ang isang Bagong Pilipinas sa tulong ng kaniyang mga programang layong maiangat pa ang buhay ng lahat ng mga Pilipino.
~๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ฅ๐ข๐๐ข๐ ๐. ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐๐ข๐๐ฌ-๐๐ง๐ซ๐ข๐ช๐ฎ๐๐ณ
Photo Credit : Facebook Page of Congw. Marlyn โLenโ Primicias-Agabas
#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride