Sa isang masiglang pagbisita kamakailan, nadama ang malasakit at pagmamahal ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez sa San Jose Elementary School. Tila naging espesyal na okasyon ang personal nyang pag-inspeksyon sa bagong tapos na perimeter fence at gate sa likod ng paaralan, mga proyektong nagbibigay diwa sa konsepto ng kaligtasan at pag-unlad.
Present sina Brgy. Capt. Jory Lucas, Parents-Teachers Association (PTA) President Filmar Cocotan, Head Teacher Mrs. Liwayway Magarro, at iba pang community stakeholders na nagtipon-tipon upang personal na batiin at pasalamatan si Mayor Alice sa ngalan ng LGU San Nicolas.
Sa maikling programa na inihanda ng paaralan, sumentro ang pananalita ni Mayor Alice sa kaniyang damdamin patungkol sa proyekto, at ang hatid na inspirasyon ng mga guro at school partners.
“Ang perimeter fence na ito ay hindi lamang pader; ito’y sagisag ng ating joint force tungo sa ligtas at mas mapayapang kapaligiran para sa ating mga kabataan. Ito’y hindi lamang bakod at school gate; ito’y simbolismo ng ating pagtutulungan.”
Kasabay ng pagsusuri sa bagong proyekto, nakipag-dayalogo rin Mayor Alice sa mga school at barangay representatives para i-assess ang mga naging accomplishment sa nakaraang taon at paano masustena ang βjob well doneβ sa education sector ngayong 2024.
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride