Sa pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas bukas, maglulunsad ang pamahalaang lokal ng San Nicolas ng makabuluhang programa upang hikayatin ang mga kabataang San Nicolanian na ipamalas ang kanilang husay, pagkamalikhain, at katalinuhan.
Kasama sa mga inihandang paligsahan ang Speech Contest, kung saan ipapahayag ng mga kalahok ang kanilang mga saloobin at pananaw tungkol sa kasarinlan at iba pang makabuluhang paksa sa pamamagitan ng isang makapangyarihang talumpati. Mayroon ding Digital Poster Making, na magbibigay ng pagkakataon sa mga batang malikhaing ipahayag ang kanilang patriotismo at kahalagahan ng kasarinlan sa pamamagitan ng sining at disenyo gamit ang digital na teknolohiya.
Bukod dito, tampok din ang Pasiklaban: Ang Quiz Bee ng Bayan, isang patimpalak ng talino kung saan magtatagisan ang mga kalahok sa pagsagot ng mga katanungan hinggil sa kasaysayan, kultura, at iba pang mahahalagang aspeto ng Pilipinas. Layunin nitong mapalalim ang kaalaman ng kabataan sa mga isyung makabayan at hikayatin silang maging aktibong mamamayan na may pagmamalasakit sa bayan.
Maligayang Araw ng Kalayaan, Pilipinas!
#ArawNgKasarinlan#IndependenceDay#PilipinasKongMahal#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride