Ipinagbunyi ng buong pamahalaang lokal ng San Nicolas ang pagbabasbas at pagdating ng bagong 10-wheeler dump truck na mas magpapadali at magpapabilis sa kanilang mga proyekto at serbisyong pangkomunidad.
Gamit ang pondo mula sa Municipal Development Fund, nabili ang bagong dump truck na Sinotruk Dump Truck HOWO-NX 10w 400HP EU2 20CBM na isang multipurpose na sasakyan na magsisilbing malaking tulong sa iba’t ibang pangangailangan ng munisipalidad, kabilang ang pagdadala at pag-unload ng mga materyales sa konstruksyon tulad ng buhangin, graba, dumi, at mga debris, pati na rin ang paghakot ng iba’t ibang uri ng basura sa bayan.
Pinangunahan ni ๐๐ง. ๐๐๐ง๐ก๐๐ฎ ๐พ๐๐จ๐ฉ๐ง๐ค ang seremonya ng pagbabasbas na dinaluhan mismo nina Mayor Alicia Primicias-Enriquez, Vice Mayor Alvin Bravo, at mga konsehal ng bayan na sina Queen Descargar, Amorsolo Pulido, Pedrelito Bibat, Jun Serquiรฑa, Francisco โKikoโ Bravo, at Jairus Thom Dulay. Kasama rin sa pagdalo ang mga drayber ng trak at mekaniko, na siyang magsisiguro na magiging maayos at ligtas ang paggamit ng bagong sasakyan.
โAng bagong kagamitan na ito ay karagdagan sa apat na dump truck na una na nating binili. Umaasa ako na sa pamamagitan nito, mas magiging maayos at epektibo ang mga serbisyong impraestruktura at solid waste management sa bayan,โ saad ni Mayor Alice.
Sa harap ng ganitong hakbang, umaasa ang LGU San Nicolas na ang nasabing truck ay magdudulot ng mas maayos at mas malinis na kapaligiran para sa kanilang mga mamamayan.
#BrandNewDumpTruck#LatestAdditionToLGUAcquiredVehicles#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride