Kay sarap balikan ang mga oras at pagkakataong wala tayong muwang. Walang iniisip kundi ang maglaro dahil wala namang oras na hinahabol. Ngunit aminin man natin o hindi, marami na ang nagbago sa paglipas ng panahon, kasama na rito ang unti-unting pagkawala ng mga larong naging bahagi ng ating pagkabata.
Kaya tuwing nakakikita tayo ng mga batang tulad nila sa larawang kuha sa Agpay Eco Park, hindi natin maiwasang balikan ang nakaraan dahil sa ganitong laro, ang mga batang tulad natin noon ay masaya na at kuntento pa. Kung batang 90’s ka, alam na alam mo ito.
Naranasan mo bang maglaro ng tumbang preso? Napuno rin ba ng pawis ang iyong katawan sa nakapapagod na habulan at ubusan-lahi? Nag-ipon ka ba ng baon mo para lang makabili ng teks?
Nakipagpataasan ka rin ba ng lundag at lukso sa mga larong Chinese garter, luksong-baka, at luksong-tinik? Umiyak ka rin ba nang malala dahil natalo ka sa larong gagamba? Ilang beses ka bang nanalo sa holen, goma, at trumpo? Sino-sino ang mga naging kakampi mo sa patintero?
Kailyan, namiss mo rin ba ang mga larong ito?
#PhotoOfTheWeek#Batang90s#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride