Bilang patunay sa marubdob na hangarin ni Mayor Alice na mas mapaganda at maitaas pa ang kalidad ng serbisyo sa sektor ng edukasyon sa bayan ng San Nicolas, ipinaayos ng pamahalaang lokal ang Bensican Child Development Center.

Mula sa isinagawang inspeksyon ng alkalde, nakita niya ang malaking problema sa bubong at kisame ng klasrum ng day care learners sa nasabing barangay kung kaya’t naglaan agad siya ng pondo upang maipagawa ito sa lalong madaling panahon.

Ipinagawa ang bubong na may sukat na 120 metro kuwadrado at kisame na 84.80 metro kuwadrado upang hindi na maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante lalo na tuwing umuulan.

Ayon kay 𝓜𝓼. 𝓜𝓪𝓻𝔂 𝓖𝓻𝓪𝓬𝓮 𝓐𝓵𝓪𝓰𝓪𝓷𝓸, guro ng Bensican CDC, sira na ang kisame lalo na sa labas ng klasrum at butas-butas na ang bubong dahil na rin sa kalumaan. Nagtiis nalang diumano sila dahil kailangang magpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Dagdag pa ng guro, malaking bahagi sa pagkatuto ng mga bata ang learning environment at atmosphere kung kaya’t abis ang kaniyang tuwa nang dumating si Mayor Alice at ipagkaloob ang kanilang bagong bubong at maayos na kisame.

#ConstructionOfRoofingAndTrusses#CeilingInstallation#BensicanChildDevelopmentCenter#BansangMakabata#BatangMakabansa#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon