Upang masubaybayan ang anumang hindi awtorisadong paggalaw o aktibidad na lumilikha ng potensyal na banta sa kaligtasan at seguridad, naglagay ng closed-circuit television o CCTV cameras sa Brgy. Nagkaysa.

Ang nasabing proyekto na pinondohan mula sa barangay subsidy ay personal na siniyasat ni Mayor Alice upang masigurong real-time na namomonitor ang mga kaganapan sa barangay na pinamumunuan ni 𝐏𝐁 𝐑𝐚𝐦𝐨𝐧 𝐌𝐞𝐣𝐢𝐚.

Ang mga donasyong gamit ay binubuo ng mga sumusunod: apat na IP Camera 4mp, apat na Whitebox IP67 100×100, tatlong Media Converter, dalawang Poe Switch Hub 4 Ports, dalawang Metal Box L, isang Metal Box S, dalawang Bracket Extender, isang 200m Fiber Optic Cable, 20 SC Connector at mga AC Wires na tinatantiang nasa 100 meters.

Sa kaniyang pagbisita, nakipagdayalogo rin ang alkalde sa mga miyembro ng barangay council ukol sa planong drainage canal rehabilitation na paniguradong makatutulong upang maiwasan ang pagbaha sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang labasan para sa tubig-ulan at pagbabawas ng panganib ng akumulasyon ng tubig.

#CCTVInstallationProject#Security#Monitoring#Protection#Security#RealTimeMotionDetection#BarangayNagkaysa#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon