Noon, walang madaanan ang mga guro’t estudyante tuwing malakas ang buhos ng ulan dahil naiipon ito sa kanilang bakuran. Ngayon, hindi na ito problema ng Bulangit Elementary School dahil sementado na ang kanilang school grounds at pathway.
Ang 178.8 metro kuwadrado na proyektong ito ay ang panibagong katuparan sa kahilingan ng nasabing paaralan na magbibigay ginhawa sa mga guro at mga mag-aaral.
“Nawa’y matupad ng proyektong ito ang kaniyang layunin– panatilihing angkop at ligtas ang paaralan para sa mga guro at mag-aaral. Umaasa ako na ang proyektong ito ay lilikha ng isang maayos at ligtas na kapaligiran kung saan ang mga mag-aaral ay excited matuto araw-araw,” pahayag ni Mayor Alice.
Samantala, nagpaabot ng pasasalamat si 𝓔𝓿𝓪𝓷𝓲𝓵𝓭𝓪 𝓢𝓮𝓻𝓺𝓾𝓲𝓷̃𝓪, school head ng nasabing paaralan, sa mainit na suporta at pagmamahal ng pamahalaang lokal ng San Nicolas sa sektor ng edukasyon lalo na sa ikaaayos at ikagaganda ng mga paaralan.
Ang Bulangit Elementary School ay isa lamang sa mahigit 40 paaralan sa San Nicolas na pinagkalooban ng proyektong imprastruktura ng pamahalaang lokal ng San Nicolas.
#ConcretingOfSchoolGrounds#ConcretingOfPathway#ParaSaBata#ParaSaBayan#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride