Dahil mahalaga ang pagkakaroon ng maayos at maaliwalas na espasyo para sa pag-aaral ng mga estudyante, pinagsumikapan ng mga guro at ng tagapamuno na si ππ£π. ππ€π£ππ‘ππ―π πΎππ§π₯ππ£π©ππ§ na iparating ang kanilang kahilingan kay Mayor Alicia Primicias-Enriquez na maglaan ng study area para sa kanilang mga mag-aaral.
Bilang tugon, nagbigay ng mga materyales ang lokal na pamahalaan para sa konstruksyon ng isang 30 sq. m na study area na may bubong at kongkretong sahig.
Lubos na ikinatuwa ng mga guro at mag-aaral ang pagbisita ni Mayor Alice upang suriin ang resulta ng implementasyon ng Special Education Fund na ginamit para sa proyektong ito.
Naging pagkakataon din ito upang magpasalamat ang mga guro sa suporta at malasakit ng alkalde para sa kanilang mga minamahal na estudyante.
Inaasahan na rin sa susunod na taon ang pagpapatayo ng school canteen at pagpapagawa ng pathways ng paaralan.
#EducationMatters#SupportForStudents#SchoolImprovement#StudyArea
#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride