๐ฟ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ด
Itinuturing ni Carl Angelou Rafael na ang palette ng buhay niyaโy kulay putiโang tahimik na pundasyon kung saan ang lahat ng mga kulay ay matatagpuan ang kanilang simula. Nilalaman nito ang kababaang-loob kung saan siyaโy mas napapalapit sa kaniyang sining at ang kadalisayan ng kaniyang intensyon sa likod ng bawat istrรณwk.
Nagsimula siyang mabighani sa chalk art nang siyaโy magtungo sa Baguio City para sa kaniyang color blindness therapy. Kada Linggo, nakikita niya ang mga kapuwa artist sa Session Road at hinikayat siyang subukan ito. Bagamat bago ito sa kaniya, sumubok siyang bigyang buhay ang sikat na daan sa lungsod na may ibang texture sa kaniyang nakasanayan, pabago-bagong klima, maraming taong dumaraan, at higit sa lahat, chalk ang gagamiting kasangkapan.
Hindi nagtagal, minahal na niya itoโt unti-unting naging makabuluhan ang bawat pagpunta niya sa lugar. Ipinapaalala man ng lungsod na ito ang kaniyang color vision deficiency, paggaling at kapayapaan naman ang nasumpungan niya nang unti-unti na niyang niyakap ang kaniyang kahinaan.
Ang kaniyang buhay, tulad ng puti, ay isang testamento ng isang canvas na naghihintay na maipinta na may makulay na lilim ng karanasan at banayad na tono ng pagsisiyasat sa sarili. Ito ang kulay ng kapayapaan, ang senaryo ng kalinawan, at ang diwa ng lahat ng hindi pa maisusulat sa kuwento ng kaniyang sining.
At tulad ng tinuran ng isang matandang lalaking lumapit sa kaniya minsan, naniniwala rin kami: โMalayo ang mararating mo. Nakikita ko ang future mo na magiging isa kang kilalang artist.โ
Panahon na upang marahuyรฒ sa mga obra maestra ng โkapit-bayanโ nating si Carl Angelou Rafael ng Natividad. I-like at i-share mo na, kailian!
โถโโถโฝโโโ
#Marahuyรฒ#ObraMaestra#BeEnchanted#CelebratingCultureAndArts#Creativity#Culture#Arts#PhilippineCulture#ArtAppreciation#ArtistinFocus#ArtoftheDay#ArtistsonFacebook#Art#Artwork#ArtistSpotlight#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride