Natuklasan ni Ptr. Cenon de Guzman ang kaniyang hilig sa sining noong siya ay nasa elementarya pa lamang. Nagsimula siyang magkaroon ng mas malalim na pagnanais na mahasa ang kaniyang kakayahan nang makilala niya ang ating kailiang si Mel Lamagna na gumagawa ng charcoal portraits noong siyaโ€™y hayskul pa lamang.

Ang kaniyang mga rural landscape ay naimpluwensyahan ng Grand Old Man of Philippine Art, si Fernando Amorsolo. Naging mapalad siya nang magkaroon ng pribilehiyong maturuan ng kaniyang katukayong si Cenon Arquero, estudyante ng Amorsolo.

Nabigyan din siya ng pagkakataong kumatawan sa San Nicolas sa Ninoy Aquino Youth Talent Awards Contest noong 1990 sa La Union kung saan nanalo siya ng unang pwesto.

Sa kasalukuyan, mayroon siyang art group na pinangalanang Kafagway na nakabase sa Baguio City. May mga naka-schedule silang exhibit sa Tam-awan Village ngayong Pebrero at sa SM Mall of Asia ngayong Abril. Nagsasagawa rin siya ng mga pribadong klase sa sining at nagsisilbing senior pastor sa Tayug.

Panahon na upang marahuyรฒ sa mga obra maestra ng kailian nating si Cenon de Guzman ng Brgy. Poblacion East. I-like at i-share mo na, kailian!

โ“‚โ’ถโ“‡โ’ถโ’ฝโ“Šโ“Žโ“„

#Marahuyรฒ#ObraMaestra#BeEnchanted#CelebratingCultureAndArts#Creativity#Culture#Arts#PhilippineCulture#ArtAppreciation#ArtistinFocus#ArtoftheDay#ArtistsonFacebook#Art#Artwork#ArtistSpotlight#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon