Maliit man o malaking daan, walang pinipili ang pamahalaang lokal ng San Nicolas sa pagbibigay ng serbisyo publiko kung kayaβt ang dating lubΓ‘k-lubΓ‘k na daan sa Purok 4 at 5 sa Brgy. Bensican, ngayon ay sementado na.
οΏ½Ang proyekto na may habΓ ng 60 metro, lapad na 3 metro, at kapal na 0.15 metro ay ang bagong regalo ni Mayor Alice sa nasabing barangay na kaniyang binisita at ininspeksyon kasama ang barangay council na pinangungunahan ni ππ π π₯π¨π«π¨ πππ«π³π¨.
Nagpasalamat si PB Marzo sa paghahatid ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ng 244 bags ng Portland cement, 5 truckloads ng screened sand, at 10 truckloads ng screened gravel ΒΎ upang agarang matapos ang proyekto at mapakinabangan ng mga residente.
βHanggaβt maaari, nais nating abutin maging ang mga lugar na di sukat akalain ng mga San Nicolanian na mahahatiran ng tulong. Hindi sayang ang pondong ilalaan dito sapagkat alam nating maraming residente ang makikinabang dito,β saad ni Mayor Alice.
Dagdag pa ng alkalde, magpapatuloy ang mga proyektong tulad nito sa buong bayan upang hindi na mahirapan pa ang mga nasa liblib na lugar na dumaan patungong main road lalo na tuwing umuulan.
#RoadConcretingProject#BrgyBensican#InfrastructureProject#ThankYouMayorAlice#ThankYouLGUSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride