Komportable na ang mga magulang habang naghihintay sa kanilang mga anak na nag-aaral sa Dalumpinas Child Development Center dahil may bago na silang waiting shed area na regalo ng pamahalaang lokal ng San Nicolas.
Ang nasabing proyekto na may sukat na 18 metro kuwadrado ay naghatid ng labis na kagalakan sa mga magulang at child development worker dahil ilang taon na rin silang nagtitiis sa waiting area na gawa lamang noon sa lumang kahoy at bubong.
Hindi pa natapos ang sorpresa ni Mayor Alice dahil sa mismong araw ng inspeksyon ay nagpahatid agad siya ng walong sako ng semento upang maisaayos na rin ang flooring ng waiting shed.
βHindi ko lubos maisip na sa simpleng paraan ay mapapasaya natin ang mga bataβt kanilang mga magulang lalo na si Teacher ππΈπ΅π½π²πͺ π’πΎππͺπ½. Napakaganda ng lugar dahil matatanaw ang kabukiran at kabundukan. Tamang-tama ang bagong waiting shed upang mas presko at komportable sila habang naghihintay,β paliwanag ng alkalde.
Sa kaniyang pamumuno, isinasaayos ni Mayor Alice at pinupunan ang mga kakulangan sa child development centers sa buong bayan. Aniya, asahan pa ang mas maraming pagbabago sa sektor ng edukasyon.
#NewWaitingShedArea#DalumpinasChildDevelopmentCenter#BansangMakabata#BatangMakabansa#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride