Upang maibsan ang malaking gastusin sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga pataba, tuloy-tuloy ang ginagawang pamamahagi ng Department of Agriculture (DA) sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Cong. Marlyn Primicias-Agabas ng subsidiya sa mga magsasaka ng palay sa bayan ng San Nicolas bilang bahagi ng National Rice Program ng gobyerno,
Aabot sa 1,002 na magsasaka na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture at nakatala sa Farmers and Fisherfolk Registry System ang nabigyan ng DA ng mga fertilizer discount voucher na nagkakahalaga ng apat na libong piso (Php 4,000) kada isang ektarya na sinasaka na magagamit nila sa pagbili ng fertilizer mula sa accredited fertilizer merchants.
Ang mga magsasakang nahandugan ng tulong ng DA at ni Cong. Marlyn ay mula sa mga barangay ng Cabitnongan, Cacabugaoan, Calaocan, Casaratab, Nagkaysa, Nining, Poblacion East at West, San Jose, San Roque, Siblot, Sobol, Sta. Maria East at West.
#Farmers#Agriculture#BackboneOfTheCountrysEconomy#DepartmentofAgriculture#LenPrimiciasAgabas#TogetherWeServe#FertilizerVouchersDistrribution#ForRegisteredFarmersInSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride