Dahil sa malaking pinsalang dulot ng bagyong Paeng sa mga taniman ng mais, nagpadala ng tulong ang Department of Agriculture (DA) Regional Field Office sa 32 rehistradong magsasaka mula sa ibaโt ibang barangay ng San Nicolas.
Tumanggap ang mga magsasaka ng 32 bags ng Pioneer 4097 o Rehab corn seeds at 62 bags ng inorganic fertilizer na Urea na may bigat na 50 kgs. bawat isa sa isang programang idinaos sa Municipal Grounds.
โMakatutulong ang mga ayudang ito sa pangangailangan ng mga magsasaka upang maibsan ang malaking gastusin sanhi ng pagkasira ng mga pananim dahil sa bagyo. Tunay na ang programang ito ng DA ay isang malaking biyaya sa ating bayan,โ pahayag ni Mayor Alice.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga magsasaka dahil hindi aniya sila pinababayaan ng gobyerno. Malaki man ang naging pinsala sa kanilang pananim dahil sa nagdaang bagyo, naibsan diumano ang kanilang lungkot at panghihinayang dahil sa suportang kanilang natatanggap.
Samantala, muli namang nagpaalala ang alkalde na hikayatin pa ang mga hindi pa rehistradong mga magsasaka na magparehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture nang maitala sa Farmers and Fisherfolk Registry System upang makatanggap din sila ng mga benepisyo mula sa kagawaran.
Kasama ni Mayor Alice sa isinagawang distribusyon si ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ๐จ๐ซ ๐๐จ๐ฌ๐ โ๐๐ฎ๐งโ ๐๐๐ซ๐ช๐ฎ๐ข๐งฬ๐ na chairman ng Sanggunian Committee on Agriculture .
#RegisteredFarmersAffectedByTyphoonPaeng#DepartmentofAgriculture#RehabCornSeeds#InorganicFertilizer#RegisteredFarmersInSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride