Good news para sa mga nagpoproseso ng kani-kanilang business permits at tricycle franchise dahil pinalawig ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang deadline nito hanggang Enero 31.
Inaprubahan ang extension upang mapagaan ang pasanin ng mga may-ari ng negosyo at tricycle sa pagsunod sa mga kinakailangan para sa aplikasyon ng business permit at renewal na naaayon sa thrust ng pamahalaang lokal tungo sa pagiging business-friendly municipality.
“Kaya po ating hinihikayat ang lahat na mag-renew ng kanilang business permit at tricycle franchise upang maiwasan ang karagdagang multa pagkatapos nito,” saad ni Mayor Alice.
#BusinessPermit#TricycleFranchise#DeadlineExtension#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride