Mula sa inisyatiba ni 𝐂𝐨𝐧𝐠. 𝐌𝐚𝐫𝐥𝐲𝐧 𝐋. 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐢𝐜𝐢𝐚𝐬-𝐀𝐠𝐚𝐛𝐚𝐬, namahagi ang Department of Science and Technology (DOST) ng 25 units ng portable solar drying trays o portasol sa mga magsasakang indigenous people ng San Nicolas.

Nakatanggap ng portasol ang mga benipisyaryo mula sa Sitio Kabayawasan, San Felipe East (10) at Sitio Andalasi, Fianza (15) na layong mapabuti ang kalidad ng kanilang mga produkto tulad ng palay, kape, mais, at maging isda.

“Sa tulong ng inobasyong ito, maaari silang gumawa ng sterilized, hygienic dried goods na may pinababang drying loss, na nagbibigay-daan para sa pagtaas ng produktibidad at mas mabilis na oras ng pagpapatuyo,” saad ni Mayor Alice.

Ayon kay Engr. Arnold C. Santos, DOST provincial director, isa ang San Nicolas sa dadalawang bayan sa Pangasinan na napamahagian ng portasol na binuo ng Filipino inventor na si Popoy Pagayon.

#PortableSolarDryingTrays#IndigenousPeople#SupportToFarmers#ThankYouDOST#ThankYouCongMarlyn#DepartmentOfScienceAndTechnology#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon