π†πŽπ•. π†π”πˆπ‚πŽ 𝐈𝐈𝐈, ππ€π†πƒπ„πŠπ‹π€π‘π€ππ† 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 ππ€π’πŽπŠ ππ”πŠπ€π’

Idineklara ni Gov. Ramon V. Guico III na walang pasok bukas, Hulyo 25, 2024 sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan kasama na suspensyon ng lahat ng trabaho sa mga tanggapan sa gobyerno sa buong lalawigan ng Pangasinan dahil sa patuloy na epekto ng Super Typhoon Carina at Southwest Monsoon o Habagat.

Sa inilabas na Executive Order No. 0070, Series of 2024, ipinag-utos ng gobernador ang nasabing kanselasyon at suspensyon dahil nasa Orange Warning sa ilalim ng Heavy Rainfall Warning No. 17 ang Pangasinan na nagdudulot ng moderate hanggang intense rainfall sa probinsya.

Samantala, nasa pagpapasya naman ng heads, managers, o administrators ng mga pribadong kumpanya kung kanilang kakanselahan ang trabaho ng kanilang mga empleyado.

Patuloy na pinapaalala ng Pamahalaang Lokal ng San Nicolas ang pag-iingat ng lahat ng San Nicolanians at kung maaari’y iwasan muna ang bumiyahe patungong Malico dahil nananatiling sarado ang Villa Verde Road.

#NoClasses#WalangPasok#CarinaPH#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon