Muling ipinadama nina Sen. Pia Cayetano at Sen. Alan Peter Cayetano ang kanilang pagmamahal sa lahat ng San Nicolanians nang maghatid sila ng tulong pinansyal sa 1,000 residente na nasa panahon ng kagipitan.
Sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation Payout Program nina Sen. Pia Cayetano at Sen. Alan Peter Cayetano sa pakikipag-ugnayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), tumanggap ng P3,000 ang mga benepisyaryo upang may magamit sa pang-araw-araw nabuhay at makapaghatid ng pag-asa sa kabila ng kanilangpinagdaraanan.
Dinaluhan mismo nina Arjo Damiles, political affairs officer niSen. Pia; Densh Arcadio at Enrique Perez, political affairs officers ni Sen. Alan Peter; Jackie Santos, social media manager ni Sen. Alan Peter; DSWD FO1 Justin Bernard Sagun, DSWD FO1 Jay-ar Angeles, DSWD FO1 Joseph Martin, DSWD FO1 Eugene Coqua, DSWD FO1 Adelyn Oria, at DSWD FO1 Sushmita Mae Dela Cruz ang nasabing pagtitipon na idinaos saMunicipal Auditorium kahapon, April 17.
Nagpaabot naman ng mensahe si Sen. Pia at Sen. Alan Peter na umaasang magagamit ng mga benepisyaryo ang biyayang handog upang makapagbigay din sila ng pag-asa sa iba at makatulong na maiangat ang buhay ng nakararami.
#AssistanceToIndividualsInCrisisSituation#AlwaysCayetano#SenatorPiaCayetano#SenatorAlanPeterCayetano#SulongKabuhayanTulongSaPagyabong#FinancialAssistance#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride