Tinaguriang โ€˜bullying capital of the worldโ€™ ang Pilipinas matapos ang pagtaas ng kaso ng pambu-bully sa mga eskuwelahan, batay sa pag-aaral ng Programme for International Student Assessment.

Sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2025-2026, agad na tumugon ang Department of Education (DepEd) San Nicolas District II sa panawagan para sa mas ligtas at mas mapagmalasakit na mga paaralan.

Sa pahayag ni District Supervisor Dr. Imelda S. Lazaro, kaniyang binigyang-diin ang paninindigan ng distrito: โ€œSa DepEd San Nicolas, ligtas ang may alam.โ€

Bilang hakbang laban sa bullying, ilan sa mga pangunahing inisyatibong ipatutupad ay ang:

๐Ÿ“Œ Paglalagay ng CCTV cameras sa mga pasilidad ng paaralan upang masigurong ligtas ang bawat sulok ng kapaligiran ng mga mag-aaral.

๐Ÿ“Œ Pagsasanay ng mga guro sa Child Protection Policy, upang tiyakin ang kanilang kahandaan sa mabilis at wastong pagtugon sa anumang insidente ng bullying.

Ayon kay Dr. Lazaro, mahalagang kilalanin na ang bawat guro ay hindi lamang tagapagturo kundi tagapangalaga rin ng kapakanan ng kabataan. โ€œSa pamamagitan ng tamang kaalaman at suporta, makakalikha tayo ng mga espasyong may dignidad, malasakit, at respeto,โ€ dagdag pa niya.

Suportado ito ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez dahil, aniya, muling pinapatunayan ng San Nicolas na sa edukasyon, hindi lamang karunungan ang dapat ibinabahagiโ€”kundi seguridad, pagkalinga, at pagkakapantay-pantay para sa lahat ng mag-aaral. โœจ๐Ÿ“š๐Ÿค

#StopBullying#LigtasAngMayAlam#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed