Saksi ang mga teaching and non-teaching personnel sa pagbisita kamakailan ni Mayor Alicia L. Primicias-Enriquez sa Sto. Tomas Elementary School at sa site inspection ng natapos na 72 square meter-drainage system ng paaralan. Ang proyektong ito ay pinondohan ng Special Education Fund (SEF) 2023, patunay ng pagmamahal at suporta para sa sektor ng edukasyon.
Ang drainage system ay hindi lamang simpleng imprastruktura. Ayon kay Mayor Alice, na tumatayo rin bilang Local School Board chairperson, ang accomplished project ay isang kritikal na pasilidad na naglalaan ng kaligtasan at kaginhawaan para sa buong paaralan. “Ang maayos na drainage system ay nagbibigay-proteksyon sa paaralan laban sa pag-ulan at pagbaha. Ito’y bahagi ng ating layunin na magkaroon ng ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral at guro,” pahayag niya.
Sa pagbisita ni Mayor Alice, hindi lamang ang kahalagahan ng drainage system ang nais niyang iparating, kundi pati rin ang pakikipag-ambagan o bayanihang ipinamalas ng school management, na naglaan ng labor bilang counterpart sa proyekto.
Sa isang masiglang pagpupulong, ibinahagi ng mga guro ang kanilang pasasalamat at kasiyahan sa pagkakaroon ng maayos na pasilidad. “Sa tulong ng LGU San Nicolas at ni Mayor Alice, nararanasan na namin ang kahalagahan ng drainage system. Hindi lang ito nagbibigay ng ligtas na paaralan, kundi nagdadala rin ng komportableng kapaligiran para sa aming pagtuturo at sa pag-aaral ng mga estudyante,” ani ni Principal Conrado B. Serios, Jr.
Tampok sa diskusyon ang mga tagumpay ng paaralan at ang magiging direksyon nito sa 2024. Pagsang-ayon pa ni Mayor: “Ang bawat proyektong itinataguyod natin ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon. Sa pagtutulungan natin, higit pa nating maipagpapatuloy ang pag-angat ng Sto. Tomas Elementary School.”
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride