Tuloy-tuloy ang ginagawang pamamahagi ng Department of Agriculture (DA) ng subsidiya sa mga magsasaka ng palay sa bayan ng San Nicolas bilang bahagi ng National Rice Program ng gobyerno,
Aabot sa 2,864 na magsasaka na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture at nakatala sa Farmers and Fisherfolk Registry System ang nabigyan ng DA ng mga fertilizer discount voucher.
Nakatanggap ng apat na libong piso (Php 4,000) kada isang ektarya na sinasaka na inaasahang makatutulong sa pangangailangan ng mga magsasaka at maibsan ang malaking gastusin sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga abono.
βMakakaasa po kayo na patuloy ang ating pagsusumikap at pakikipag-ugnayan sa Department of Agriculture upang masiguro na ang mga programa nito ay mabilis at maayos na maipatupad sa ating Distrito,β pahayag ni Congw. Marlyn Primicias-Agabas sa kaniyang official Facebook page.
Pinangunahan nina Congw. Marlyn, Mayor Alice, Municipal Councilors Leomar Saldivar, Jun SerquiΓ±a, Jairus Dulay, at Pedrelito Bibat,at lahat ng kawani ng Municipal Agriculture Office sa pamumuno ni Engr. Christopher SerquiΓ±a ang nasabing programa.
βSobra-sobra ang bumababang tulong ng Department of Agriculture sa ating bayan na nanggagaling sa national government. Masaya kami sa San Nicolas dahil malaking biyaya ito sa aming mga magsasaka,β ani Mayor Alice.
Ang nabanggit na voucher ay magagamit ng magsasaka sa pagbili ng UREA fertilizer mula sa accredited fertilizer merchants.
#ParaSaAtingMagsasaka#DepartmentofAgriculture#LenPrimiciasAgabas#TogetherWeServe#PanibagongPamamahagiNgFertilizerVouchers#ParaSaKwalipikadongMagsasakaNgSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride