Kasama si 𝘿𝙧. 𝘽𝙖𝙧𝙩𝙤𝙡𝙤𝙢𝙚 𝘾𝙖𝙧𝙧𝙚𝙧𝙖, 𝙋𝙧𝙞𝙣𝙘𝙞𝙥𝙖𝙡 𝙄𝙄𝙄, ininspeksyon kamakailan ni Mayor Alice ang mga naisakatuparang proyekto sa East Central School (ECS).

Sa nasabing site inspection, tuwang-tuwa ang lahat nang makitang kumpleto na ang floor tiling sa dalawang kuwarto ng ECS, na naglalayong magbigay ng maayos at malinis na learning environment para sa mga mag-aaral at ang pinakahihintay na perimeter fence ay naisakatuparan na rin upang makapagbigay ng seguridad sa mga mag-aaral.

Nagkaroon din ng masusing konsultasyon at diskusyon sina Mayor Alice, Dr. Carrera, at PSDS Imelda Lazaro tungkol sa mga accomplishment ng paaralan at sa mga panibagong proyektong isasakatuparan kasama ang LGU San Nicolas.

Saad ni Mayor Alice, “Magandang bagay na may counterpart ang bawat isa sa isang proyekto: sa LGU ang construction materials, at sa school naman ang labor. Magsiilbing inspirasyon nawa ito sa mga mag-aaral na magtulungan at magbayanihan para sa bayan.”

#FloorTiling#PerimeterFence#FloorTiling#SpecialEducationFundProject#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon