Matapos ang masusing pagsusuri mula sa regional at national teams ng Department of the Interior and Local Government (DILG), nakamit ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang 2023 Seal of Good Local Governance (SGLG).
Ang SGLG ay patunay na mayroong transparency at good governance sa bayan ng San Nicolas na nagbigay ng isa pang dahilan upang mas pagsumikapan pa ang kanilang sinumpaang tungkulin sa tao at sa bayan, saad ni Mayor Alice matapos matanggap ang balitang nasungkit ng bayan ang prestihiyosong parangal.
Kabilang ang bayan sa 493 local government units na pararangalan sa Disyembre 13 at 14 ng DILG bilang pagkilala sa kanilang tapat at mahusay na pamamahala.
Nasuri ang pamahalaang lokal sa 10 governance areas: financial administration; paghahanda sa sakuna; panlipunang proteksyon; pagsunod at pagtugon sa kalusugan; napapanatiling edukasyon; business friendliness at competitiveness; pamamahala sa kapaligiran; kaligtasan at kapayapaan at kaayusan; turismo, pagpapaunlad ng pamana, kultura at sining; at kabataan at kaunlaran.
#2023SealOfGoodLocalGovernance#CongratulationsLGUSanNicolas#TapatAtMahusayNaPamamahala#Transparency#GoodGovernance#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride