Sa marubdob na hangarin ni Gov. Ramon Guico III at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na mas mapaunlad pa ang mga komunidad sa probinsya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga makabuluhang serbisyo at pagpapaigting ng pagkakaisa at pagtutulungan na may kolektibong adhikain, inihatid ang Local Initiatives: Guidance and Assistance Program (LINGAP) Ed Barangay sa Malico, San Nicolas, Pangasinan.
Sa nasabing programa, nagkaroon ng Orientation on Cooperative Formulation,
libreng health check-up, dental services, at Operation Tuli naginanap sa Malico Elementary School noong Hulyo 3.
Katuwang ng gobernador sina Vice Governor Mark Ronald DG. Lambino, Prov’l Administrator Melicio F. Patague II, 6th District Board Members Noel C. Bince at Salvador S. Perez Jr., Mayor Alice, Vice Mayor Alvin at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, PB Sandy L. Segundo, at ang lahat ng department heads ng Provincial Government of Pangasinan.
Magandang balita naman ang bungad ni Gov. Mon Mon dahilmaglalaan siya ng inisyal na P200 milyong piso para sa mgaproyektong mas magpapaunlad pa sa kinikilala ngayong Summer Barangay Capital of Pangasinan.
Binigyang-diin din ng gobernador na huwag aniyang kukunin ang Malico sa Pangasinan dahil ang Malico ay bahagi ng probinsiya na hindi maaaring angkinin ninuman.
#LingapEdBarangay#Malico#MalicoIsOurs#MalicoSanNicolasPangasinan#SummerBarangayCapital#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride