Sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lokal ng San Nicolas sa PhilHealth, maaari nang mabigyan ng access ang mga buntis, may malalang sakit, solo parent, o person with disabilities na San Nicolanian sa de-kalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan nang walang dapat ipangamba sa gastusin.
Magtungo na sa Rural Health Unit at i-fill out ang PhilHealth Membership Registration Form. Huwag ding kalilimutang dalhin ang mga sumusunod:
1. Birth certificate
2. Birth certificate of children below 18 years old
3. Marriage certificate (kung kasal)
4. Barangay certificate of indigency
5. Barangay certificate (kung buntis at may live-in partner)
Mag-avail na nang libreng PhilHealth upang magkaroon ng proteksyon sa kalusugan at financial risk protection sa mga miyembro ng inyong pamilya.
#PhilHealth#LibrengHealthServices#AvailNow#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride