Ang limitadong kagamitang medikal ay isang malaking sagabal sa pag-akses sa primary healthcare services ng mga residente mula sa malalayong barangay lalo na tuwing may sakuna.
Ito ang binigyang diin ni ππ¨π§π . πππ«π₯π²π§ π. ππ«π’π¦π’ππ’ππ¬-ππ ππππ¬ sa muling pag-arangkada ng kaniyang Health Facility Enhancement Program at personal na iabot ang barangay health station packages sa ππ«π π². ππ’ππ₯π¨π.
Sa pakikipagtulungan ng kongresista sa Department of Health-Ilocos Region, tumanggap ang nasabing barangay ng fetal doppler, weighing scale with BMI calculator, dressing cart, instrument cabinet, examining table with stirrups, medicine cabinet, minor surgical set, mechanical bed 3 cranks, EENT diagnostic set, infant weighing scale, at spine board.
Ang programang ito ay layong patuloy na paigtingin ang paghahatid ng epektibong serbisyong pangkalusugan sa San Nicolas sa pamamagitan ng pagpupunan ng mga kakulangan at pagtugon sa pangangailangang medikal sa barangay level.
Kaagapay ni Cong. Marlyn sina Mayor Alice, Vice Mayor Alvin Bravo, at Municipal Councilors Pedrelito Bibat, Jose SerquiΕa Jr., Queen Descargar, Leomar Saldivar, at Jairus Thom Dulay sa pamamahagi ng barangay health packages.
βNawaβy makatulong ang mga ito upang higit na mapaigting ang serbisyong pangkalusugan sa buong bayan ng San Nicolas,β ani Cong. Marlyn.
#LenCares#TogetherWeServe#PrimiciasAgabasCares#ThankYouDepartmentofHealth#ThankYouCongMarlyn#EffectiveMedicalServicesinSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride