Sa pagpapatuloy ng 2023 Pamaskong Handog Para Sa Mga Mag-aaral ng San Nicolas, personal na naghatid ng school t-shirts kahapon, Nobyembre 21 mula alas-dos y medya hanggang alas-kuwatro si Mayor Alice sa limang elementary schools (ES) sa Northern Ambayoan.

Nasa 443 mag-aaral ng Calanutian ES, Cabuloan ES, Camindoroan ES, Sto. Tomas ES, at Malilion ES ang pinasaya ni β€˜Mayor Santa Claus’ at ng kaniyang β€˜elves’ na hindi maitago ang kilig at kagalakan nang makita ang kanilang mga iniidolong public servant.

Nagpasalamat naman ang mga guro’t magulang dahil sa pagtataguyod ng LGU San Nicolas ng ganitong programa na makapagtataguyod sa seguridad at pagkakakilanlan ng mga mag-aaral sa paaralan.

#TshirtDistribution#2023PamaskongHandog#ChildDevelopmentCenters#ElementarySchools#GiftsOfLove#MayorSantaClaus#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon