Ang matagal nang hinulaang mas mainit na hinaharap na dulot ng pagbabago ng klima ay nangyayari na ngayon.

Nakatatakot makita kung gaano kabilis ang pag-init ng planeta at kung ano ang inilalarawan nito para sa mga bansa sa buong mundo na nakakaramdam ng mga epekto ng matinding lagay ng panahon, kabilang ang matinding heat waves, wildfires, at tagtuyot.

Bahagi ng dahilan ng mas mataas na temperatura ay ang pagbabalik ng El Niño, isang pattern ng klima na nauugnay sa mas mainit, mas pabago-bagong panahon. Sa katunayan, ilang linggo nang nakatitikim ng “dangerous” heat index ang Pangasinan mula sa datos ng DOST-PAGASA.

Dahil dito, naglabas ang pamahalaang lokal ng San Nicolas ng Executive Order No. 15 Series of 2024 na nag-uutos na magsagawa ng distance learning ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa bayan mula preschool hanggang senior high school dahil sa napakainit na panahong umiiral ngayon.

Hindi na nga maaaring balewalain ang ganitong krisis. Ang mga siyentipiko ay naghatid na ng isang panghuling babala sa krisis sa klima dahil habang tumataas ang greenhouse gas emissions at walang ginagawang kolektibong aksiyon ang lahat ng tao, itinutulak natin ang mundo sa bingit ng hindi na mababawing pinsala.

🎨𝐁𝐞𝐧𝐣𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐏. 𝐌𝐚𝐧𝐳𝐚𝐧𝐨

#Editorial#EditorialCartoon#InitNgPanahon#ActNowOrItsTooLate#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon