Ikinararangal ng buong bayan ng San Nicolas ang pagkamit ni Congresswoman Atty. Marlyn Primicias-Agabas ng Juris Doctor degree mula sa San Beda University College of Law nito lamang Nobyembre 28, 2023.

Karapat-dapat pamarisan si Cong. Marlyn dahil ang paghahanap ng kaniyang tunay na tunguhin ay hindi natatapos. Taglay niya ang isa sa mga pinakamahalagang katangiang dapat taglayin natin bilang taoβ€”ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon.

Salamat sa pagpaalala sa aming huwag mapagod matuto dahil ang pagpapaunlad sa sarili ay makatutulong sa ating magpatuloy sa agos ng buhay, harapin ang kinabukasan nang handa at matibay, at baguhin ang takbo ng ating lipunan.

Muli, ang aming mainit na pagbati, Cong. Marlyn “Len” Primicias-Agabas!

#CongresswomanMarlynPrimiciasAgabas#LenPrimicias#TogetherWeServe#SanBedaJurisDoctor#WeAreSoProudOfYouCongMarlyn#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon