โ๐๐ถ๐ ๐ ๐ถ ๐๐พ๐ ๐ถ๐๐ ๐ ๐พ๐ ๐พ๐๐พ๐พ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ถ๐ฝ๐ถ๐๐พ๐
๐ฎ๐ถ ๐๐๐๐๐๐๐น ๐๐ถ ๐ฝ๐ถ๐ท๐ถ๐๐๐ท๐๐ฝ๐ถ๐.
Napakasayang makita at marinig mula mismo sa mga magsing-irog ang kanilang pangako na pipiliin nilang mahalin ang isaโt isa hanggang sa susunod na habangbuhay. Napuno nga ng pag-ibig ang Agpay Eco Park nang sabay-sabay na nag-โI doโ ang 25 na pares ngayong Araw ng mga Puso.
Walang katumbas ang kanilang mga ngiti at saya nang humanga sila sa ating preparasyon para sa isang espesyal at kakaibang kasalan sa kasaysayan ng bayan ng San Nicolas. Inihanda natin ang lahatโbouquet, brooch, ring, aras, photos, souvenirs, at buffet lunchโnang may pag-ibig upang makapagsimula sila nang may ngiti sa kanilang puso sa kanilang panghabambuhay na pagsasama bilang mag-asawa.
Hindi rin matatawaran ang dedikasyon ng mga tao sa likod ng masayang araw na ito kung kayaโt nais ko ring kunin ang pagkakataong ito upang pasalamatan ang lahat ng bumubuo ng technical working group.
Maraming salamat sa maayos na koordinasyon ng Local Civil Registry Office sa pangunguna ni Sir Payol Fabro, sa leadership ni Sir Gerald Paragas at ang Municipal Tourism Office, sa napakaganda wedding photos mula sa Francis Portraits, kay Mam Corazon Doton at Krystala de Corazon Spiritual Resort and Waterparks para sa kanilang quality catering services, sa creative ideas ni Sir Jeff Aquino na nag-ayos ng ating wedding venue, sa lahat ng staff ng Mayorโs Office, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Philippine National Police, at lahat ng force multipliers na naging daan upang maging matagumpay ang okasyong ito.
Bilang ina ng bayan, dalangin ko ang matiwasay at masayang pagsasama ng lahat ng mga nagkaisang-dibdib ngayong Pebrero 14. Nawaโy ipaalala lagi ng Agpay Eco Park na minsan sa inyong buhay nangako kayo sa harap ko at sa buong bayan na mamahalin ninyo ang isaโt isa hanggang sa susunod na habangbuhay.
~๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ฅ๐ข๐๐ข๐ ๐. ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐๐ข๐๐ฌ-๐๐ง๐ซ๐ข๐ช๐ฎ๐๐ณ
#CivilMassWedding#NatureWedding#WeddingInAgpayEcoPark#AgpayEcoPark#YesIDo#Commitment#Communication#Compassion#Christ#ValentinesDayWedding#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride