Ang bawat tao ay nangangailangan ng pagkalinga at pagmamahal, at para sa mga physically challenged na mga kababayan natin sa San Nicolas, ang ganitong suporta ay makatutulong sa kanila upang maibsan ang lungkot na kanilang nadarama at mabigyan sila ng atensyon at tulong na kailangan nila.

Sa bawat pagkakataon na ating ipinamamahagi ang tulong at suporta para sa ating mga kababayan na physically challenged, lagi kong nararamdaman ang kahalagahan ng pagmamalasakit at pagkalinga sa kanilang kalagayan.

Ang pagbibigay ng mga gamit tulad ng wheelchair, cane, at walker ay hindi lamang simpleng tulong kundi isang paraan upang maibsan ang kanilang hirap at gawing mas magaan ang kanilang araw-araw na pamumuhay. Kasama pa rito ang pagbibigay ng mga supplements at maintenance medicine na makatutulong sa pangangalaga ng kanilang kalusugan.

Nakatataba ng puso na makita ang ngiti at pasasalamat sa kanilang mga mata tuwing pumupunta tayo sa kanilang mga tahanan. Hindi lang ako isang alkalde o doktor, kundi isang kaibigan at kasama sa kanilang laban. Ang kanilang pagtanggap at pagpapahalaga sa ating mga serbisyo ay nagbibigay sa atin ng lakas at inspirasyon na patuloy na maglingkod sa kanila at sa iba pang nangangailangan ng ating tulong.

Makaaasa po kayong gagamitin ko ang pagkakataong ipinagkaloob ninyo sa akin bilang alkalde ng bayang ito upang maipagkaloob sa lahat ng panahon ang pagmamahal at kalingang nararapat para sa inyo.

~ 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐈𝐂𝐈𝐀 𝐋. 𝐏𝐑𝐈𝐌𝐈𝐂𝐈𝐀𝐒-𝐄𝐍𝐑𝐈𝐐𝐔𝐄𝐙

#AlagangMayorDoktor

#AlayPagmamahalSaMgaPhysicallyChallenged

#DeliveryOfAssistiveDevices#DeliveryOfMedicinesAndSupplements

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon