Kumasa sa Videoke Challenge ang mga haligi ng tahanan sa pagdiriwang ng Fatherโ€™s Day sa Agpay Eco Park handog ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez at ng pamahalaang lokal ng San Nicolas. Naging tampok ang kasiyahan at pagkilala sa mga ama na buong tapang at sayang kumanta sa harap ng kanilang pamilya at kapwa ama. Ang naturang aktibidad ay isang pagpupugay sa mahalagang papel ng mga ama sa bawat tahanan. Sa gitna ng tawanan, palakpakan, at mga kantang bumabalik sa alaala, naging pagkakataon ito upang iparamdam sa mga ama na sila ay pinahahalagahan at minamahal. Maligayang Araw ng mga Ama! ๐Ÿ‘จ๐Ÿ’–

#FathersDay#ArawNgMgaAma#HaligiNgTahanan#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed