Muling isinagawa ang libreng pagbabakuna kontra flu sa bayan ng San Nicolas kung saan prayoridad ang mga senior citizens. Ito ay ginanap noong Lunes, ika-15 ng Enero 2024 sa Municipal Auditorium.
Mula sa inisyatibo ng butihing alkalde at bilang pakikiisa sa Department of Health, layon ng aktibidad na ito na mabigyan ng proteksyon ang โvulnerable sectorโ ng komunidad โ ang ating mga lolo at lola.
Ikinagalak ni Mayor Alice nang personal niyang makita ang mga nakapila para sa libreng bakunahan na ito kontra flu na isa sa mga hakbangin sa pagsusulong ng magandang kalusugan at proteksyon sa bawat isa.
Sa report ng vaccination team, naging produktibo ang aktibidad na ito dahil 183 doses ng flu ang naipamahagi.
Samantala, malaki ang pasasalamat ng mga nabakunahan dahil libre ito. Binigyang pagkilala rin nila ang dedikasyon ng alkalde na nag-assist at nagsagawa ng medical consultation sa mga nangangailangan.
#BakunaKontraFlu#DagdagProteksyon
#BakunadoProtektado#LabananAngFlu
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride