Nagpakitang gilas sa pagrampa at nagpagalingan sa pagpapamalas ng kanilang talento at katalinuhan ang mga chikiting na kandidata sa Little Miss Nining bilang bahagi ng kanilang Barangay Fiesta.

Game na game ding nakisayaw sina Mayor Alice, Vice Mayor Alvin, at ang Sangguniang Bayan ng San Nicolas kasama ang Sangguniang Kabataan sa pangunguna ni SK Lady Janine Capindian, at Brgy. Council sa pangunguna ni PB Michael Pagal.

Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Alice sa Brgy. Nining sa imbitasyon sa kanilang kapistahan at binigyang diin ang mensahe ng “panagayat, panagyaman, at panagrambak.” Nagpalaro rin ang alkalde kung saan naging premyo ang t-shirts mula kay Cong. Marlyn.

Samantala, nakisaya rin si Tayug Mayor Tyrone Agabas na humalili kay Cong. Marlyn na nasa America nang panahon na iyon.

#NiningBarangayFiesta#LittleMissNining#SKNight#Panagayat#Panagyaman#Panagrambak#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon