Pinuri ni G. ๐ก๐ธ๐ผ๐ฎ๐ถ๐ช๐ป๐ฒ๐ฎ ๐๐พ๐๐ช๐ท๐ธ, punongguro ng Sta. Maria Elementary School (SMES), si Mayor Alice makaraang tuparin ng alkalde ang kaniyang pangakong perimeter fence sa nasabing paaralan.
โSalute to you, Mayor Alice. Naa-amaze ako dahil binibigyan niya ng boses ang bawat paaralan. Talagang tinatanong niya kung ano ang priority projects namin. Kung ano ang pinangako niya, sinusunod niya. Mayroon siyang isang salita,โ mahabang pahayag ni Luzano.
Bilang proteksiyon ng mga mag-aaral ng SMES, naglaan ng pondo ang pamahalaang lokal ng San Nicolas upang mabakuran ang 150 metro kuwadradong bahagi na dati ay nababakuran lamang ng chicken wire.
โRisky ang katabing bakanteng lote dahil maaaring pinamumugaran ng mga mapanganib na hayop tulad ng ahas. Para sa seguridad at proteksiyon ng mga mag-aaral, minabuti nating ilapit ito kay Mayor Alice at agad naman niya itong tinutugunan,โ pagpapatuloy ng punongguro.
Samantala, nangako naman ang alkalde na ipagpapatuloy sa susunod na taon ang natitirang bahagi na hindi pa nababakuran bilang bahagi ng patuloy na suporta ng pamahalaang lokal ng San Nicola sa sektor ng edukasyon.
#StaMariaElementarySchool#PerimeterFence#SaluteToMayorAlice#LearnersSecurity#LearnersProtection#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride