Nasa 108 residente sa bayan ng San Nicolas na ang pinagmumulan ng kabuhayan ay naapektuhan ng mga kalamidad at pandemya, ang nakinabang sa emergency employment program ng gobyerno mula kay 𝐒𝐞𝐧. 𝐉𝐨𝐞𝐥 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐧𝐮𝐞𝐯𝐚 sa pamamagitan ni 𝐂𝐨𝐧𝐠. 𝐌𝐚𝐫𝐥𝐲𝐧 𝐋. 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐢𝐜𝐢𝐚𝐬-𝐀𝐠𝐚𝐛𝐚𝐬.
Sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD, ang mga benepisyaryo ay nagsagawa ng iba’t ibang gawain sa loob ng sampung araw, kabilang ang pagkukumpuni at pagpapanatili ng mga pasilidad ng kanilang barangay, paglilinis at pagtatanim na mga hakbangin, pagtugon sa kalamidad, at mga pagsisikap sa rehabilitasyon.
Tumanggap ang TUPAD workers ng Php 4,000 o 400 piso bawat araw sa patuloy na pagsisikap at suporta ng Department of Labor and Employment (DOLE) na patuloy na umunlad at maibsan ang kahirapan ng vulnerable sectors sa bayan.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga benepisyaryo mula sa Brgys. San Roque, Nagkaysa, Casaratan, Siblot, San Jose, Calaocan, San Felipe East, at San Felipe West sa tulong na kanilang natanggap mula sa pamahalaan dahil nagdala ito ng pag-asa sa kanilang magkaroon ng pagkakataong kumita at makapag-ambag sa komunidad.
Patuloy ang pagbibigay ng tulong ng gobyerno sa mga apektadong pamilya sa buong bansa sa pamamagitan ng TUPAD Program ng DOLE.
#EmergencyEmploymentProgram#TulongPanghanapbuhay#DisadvantagedDisplacedWorkers#DOLE#TUPADProgram#ThankYouSenatorJoelVillanueva#ThankYouCongresswomanMarlynPrimiciasAgabas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride