๐Ÿ’๐Ÿ’๐Ÿ“๐ญ๐ก ๐…๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ง๐  ๐€๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ

Sandigan ng dangal, haligi ng kasaysayan.

Ang lalawigan ng Pangasinan ay isang buhay na testamento ng tibay ng kalooban at kariktan ng diwa ng Pilipino.

Ang pundasyon ng makulay na kasaysayan ng Pangasinan ay sinimulan noong 1571, nang itoโ€™y opisyal na sakupin ni D. Martin de Goiti, na nagbukas ng isang bagong kabanata ng pakikibaka, pagbabago, at pag-unlad. Abril 5, 1572 nang ipinatupad ang sistemang encomienda, isang patakarang nagtalaga sa mga grupo ng katutubo sa ilalim ng pangangalaga at pagkakautang sa mga mananakop. Sa kabila ng hamon ng ganitong kaayusan, nagpatuloy ang Pangasinense sa kanilang paninindigan at pagkakaisa.

Noong Abril 5, 1580, itinalaga ang Pangasinan bilang isang pampulitikang entidad na may sariling “alkalde mayor,” tanda ng mahalagang hakbang patungo sa organisasyong pulitikal ng lalawigan. Ang makasaysayang petsang ito ay nananatili sa alaala bilang isang sagisag ng katatagan at pagsulong ng bayan.

Habang ginugunita natin ang ika-445 taon ng pagkakatatag ng ating lalawigan, mahalagang tingnan ang ating nakaraan bilang gabay sa mas maliwanag na kinabukasan. Ang kasaysayan ng Pangasinan ay higit pa sa mga tala ng nakaraanโ€”ito’y salamin ng ating mga pinagsikapan at naging lakas upang itaguyod ang pangarap ng bawat Pangasinense.

Kailian, magkaisa tayo sa pagpapahalaga at pangangalaga sa yaman ng ating lupain. Sama-sama, ipakita natin ang walang kupas na diwa ng Pangasinan bilang sandigan ng katatagan, inspirasyon, at dangal.

Maliket ya Agew na Pangasinan!

#PangasinanDay

#PrideOfPangasinan

#MaliketYaAgewNaPangasinan

#SanNicolasPangasinan

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *