Pinasalamatan ni Mayor Alice ang Mata ng Masa Task Force sa kanilang natatanging kontribusyon bilang volunteer workers sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at disipilina sa bayan ng San Nicolas.
Kasabay nito ay ang pamamahagi ng mga flashlight at raincoat mula sa pamahalaang lokal ng San Nicolas sa isang seremonyang idinaos sa Municipal Grounds bilang pasasalamat sa kanilang paglilingkod sa bayan.
โNaging daan ang araw na ito upang mapag-usapan kung paano pa mas magiging epektibo ang kanilang paglilingkod. Dala ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan, siniguro ng inyong lingkod na buo ang suporta ng LGU San Nicolas para sa kanila,โ saad ni Mayor Alice.
Nagbigay-daan ang naturang seremonya upang matalakay ng local chief executive ang kaniyang hangaring mapanatili at matiyak ang kaligtasan, seguridad, at kabutihan ng mga mamamayan San Nicolanian at nagpasalamat sa Mata ng Masa Task Force dahil kaisa sila sa hangaring ito.
Naniniwala rin si Mayor Alice na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at matibay na kasunduan at partnership, mapapalawig ang walang humpay na kapayapaan at pag-unlad sa bayan.
#MataNgMasaTaskForce#PeaceAndOrder#ThankYouForYourService#DistributionOfRaincoatAndFlashlight#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride